Panimula Nilagdaanni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino noong ika-15 ng Mayo taong 2013 angisinabatas na R. A. 10533 (Enhanced Basic Education Act of 2013) o mas kilalabilang K-12 Curriculum. Ayon kina Estrada at Gargantiel (2013), ang batas naito ay nagsasaad na ang mga mag-aaral ay kailangang sumailalim sa mga baitangmula Kinder hanggang Grade 12 sa kanilang pag-aaral ng batayang edukasyon. Angmga antas na ito ay binubuo ng pitong (7) taon sa primary education kasama angKindergarten, apat (4) na taon sa Junior High School at dalawang (2) taon saSenior High School na may kabuuang labing-tatlong (13) taon. Kaangkla din sa batas na ito ay angpagpapatupad ng sistemang Mother Tongue-Based Multilingual Education (MTB-MLE).
Ang MTB-MLE ay ang paggamit ng mga mag-aaral ng kanilang unang wika (L1) bilangwikang panturo mula Kindergarten hanggang ikatlong baitang. Isa ang Pilipinassa may maraming wikang ginagamit bilang dialekto ng wika ng mga Filipino nakung saan mayroong humigit kumulang 181 na lengguwahe na naging sanhi ngpagkakaroon ng problema ng Kagawaran ng Edukasyon sa pagpaptupad ng nasabingsistema. (Estrada & Gargantiel, 2013)Ayon kay Kalihim Mona Valisno ng Kagawaran ngEdukasyon, layunin ng MTB-MLE na makapaghubog ng “lifelong learners” na bihasasa paggamit ng unang wika, ng pambansang wika, at iba pang salita kagaya ngIngles. May mga pag-aaral na nagpatunay ng mabuting bunga ng MTB-MLE,sinasabing madaling maunawaan ng mga mag-aaral ang leksyon dahil ang ginagamitna salita o wika ay ang wikang kinagisnan. Ayon kay Director Paraluman Giron ngDepEd Region IV-A maging ang isa sa mga masugid na tagatangkilik ng MTB-MLE, saunang taong pag-aaral ng mga bata mahalagang gamitin ang unang wika upangmasanay sila sa mas malawak na pag-iisip. Binigyang diin din ni Giron, kunggagamitin ang unang wika sa pagtuturo sa mga bata masasanay sila sa pagsasagotat pagtatanong ng “bakit” na siyang susi sa mas malalim na pagkaunawa. (PIAAchieve News Reader, 2010) Ayonkina Abad at Ruedas (2001), sinasabing ang pinakamalinaw at magiging gamitin nawikang panturo sa mga nag-uumpisa pa lang mag-aral upang malaman ang kahuluganat maintindihan ang pananaw ng bawat tao sa kanilang mundong ginagalawan ay angwikang kanilang naintindihan at madalas na gamitin. Sakabilang banda, kasabay ng pagpapahayag sa mabuting bunga nito may mgapag-aaral na nagpapatibay na may desbentaha rin ang nasabing programa.
Ayon kayRonquillo (2016), napatunayang may kamahalan ang pagsasalin sa mga kagamitangpang-edukasyon sa walong (8) lenggwaheng nirekomenda ng DepEd. Karagdagan nito,kung pinaboran ang Mother-Tongue, ang kasanayan sa Ingles ng mga bata maging sapambansang lenggwahe ay maaaring mabawasan. Sapag-aaral nina Bendanillo, et al., (2014), may mga katha na binuo hinggil saproblema sa pagpapatupad ng MTB-MLE sa pagtuturo sa iba’t ibang pinangyarihan.Ito ay ang mga kawalan ng mga aklat na nakasulat sa Mother-Tongue, kakulangansa talasalitaan at kakukangan sa kasanayan ng mga guro. Sakabila ng mga pahayag sa MTB-MLE nararapat lamang na isalin ang mga kwentongpambata upang mas lalong makuha ang nais ipabatid ng kwento. Ayonkay Larson (1984), ang pagsasalin ay pagbibigay ng nais ihatid na mensahe ngunang wika na gumagamit ng mga batas pambalarila ng wikang pinagsasalinan.Gayundin ni E.
Nida (1959/1966), sinasabing ang pagsasalin ay paglilipat wikasa pinagsasalinang wika na katubas ng mensahe batay sa kahulugan at istilonito. Sinabi rin ni Newmark (1977), ang pagsasalin ay pagsasanay na binuo upangmagtangkang mapalitan ang lenggwahe ng orihinal sa ibang lenggwahe na mayparehong mensahe. Ayonsa teorya sa pagsasalin ni John Dryden, may tatlong uri ng salin: (1)metaphase, o salita-sa-salitang katumbas ng simulaang lenggwahe patungo satunguhang lenggwahe; (2) paraphrase, o ang pagsasalin ng kahulugan sa kahuluganng bawat salita; at (3) imitation, o isang malayang pagsasalin na kung saanmaaaring baguhin ng tagasalin ang orihinal sa ano mang paraan na kung saanpalagay niya ay tama. (Batnag & Petras, 2009) Noongtaong 2016, ang mga mag-aaral sa kolehiyo ng edukasyon sa pamantasan ng AngelesUniversity Foundation ay nagkaroon ng pananaliksik tungkol sa pagsasalin ng mgapiling kwentong pambata sa ikatlong baitang na magagamit sa pagtuturo ngMTB-MLE. Naging matagumpay ang nasabing pag-aaral sa layuning maisalin saKapampangan ang mga piling kwentong pambata ng ikatlong baitang bilang tugon sakawalan o kasalatan ng mga kagamitang pampagtuturong gagamitin sa MTB-MLE atmataya ang bisa ng pagkakasalin ng mga ito. Ang dalawang akdang kanilangisinalin ay naaprubahan at napabilang sa mga kagamitang panturo sa MTB-MLE parasa ikatlong baitang.
Sa kasalukuyan, limitado pa lang ang mgakagamitan sa pagtuturo ng nasabing programa. Kaya’t ang mga mananaliksik mulasa pamantasan ng Angeles University Foundation ay nagtangkang magsagawa ngisang imbestigasyon upang maisagawa ang pagsasalin at maragdagan angmga akdang pambata sa Kapampangan upang magamit sa pagtuturo ng MTB-MLE saikalawang baitang na siya namanglayunin ng mga mananaliksik at ang mga sumusunod na tiyak na katanungan: (1) Paanoinilarawan ang pagpili ng mga kwentong pambatang isinalin?, (2) Anong teorya at paraanang dapat isaalang-alang sa pagsasalin ng mga piling kwentong pambata upangmakamit ang katapatan at kahusayan ng saling mga akda at ang katumpakan nito samga target na mambabasa?, (3) Anoang taya ng mga dalubhasa sa wika sa mga naisaling piling akda batay sa: (a) diwa, (b) estetikong katangian,(c) kahusayan ng mga saling-akda, at (d) kaangkupan ng mga saling-akda sa mgatarget na mambabasa, at (4) Ano ang taya ng mga piling guro ng ikalawangbaitang sa kahusayan ng bawat saling-akda sa kakayahan ng pagbabasa atkomprehensyon ng mga target na mambabasa ayon sa: (a) dulas, (b) bokabolaryong salita, (c) mensahe, at (d)komprehensyon na masasagot sa pagpapatuloy ng pananaliksik. Disenyo ng PananaliksikAngnapiling pamamaraan ng mga mananaliksik na gagamitin sa pananaliksik na ito aydeskriptibo o palarawan na pamamaraan. Ayon kay Shuttleworth (2008), angdeskriptibong pamamaraan ay isang siyentipikong paraan ng pananaliksik nakinapapalooban ng mga obserbasyon at paglalarawan sa gawi ng paksa ng hindi itonagbabago.
Ang pamamaraang ito ay gagamitin upang ilarawan ang mga paraan sapagsasalin ng mga piling kwentong pagbata at ang pagiging mabisa ng mga ito samga target na mambabasa. Bibigyang-pansin ang pagtataya ng mga dalubhasa sawika ang mga isasaling piling akda batay sa diwa, estetikong katangian,kahusayan ng mga saling-akda, at kaangkupan ng mga saling-akda sa mga target namambabasa. Sa kabilang banda, bibigyang-pansin din ang pagtataya ng mga pilingguro ng ikalawang baitang sa kahusayan ng bawat saling-akda sa kakayahan ngpagbabasa at komprehensyon ng mga target na mambabasa. Ipinapakita nabinibigyang linaw ng disenyo ng pananaliksik ang angkop na paraan sa pagsasalinng mga piling kwentong pambata para sa ikalawang baitang pagkatapos ngpagtataya sa mga ito.
Ang mga gagamiting kagamitang pampagtuturo ng mga pilingguro sa MTB-MLE sa ikalawang baitang ay ang mga piling isasaling akda. Pamamaraan Upang malaman kung ilang mgamag-aaral sa ikalawang baitang ang isasangkot sa pananaliksik na ito, kukuninng mga mananaliksik ang kabuoang populasyon ng mga mag-aaral sa ikalawangbaitang. Kakalkulahin gamit ang pormulang Slovin ang kabuoang populasyon upangmakuha ang bilang ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang ang magiging kasangkotsa pananaliksik na ito. Ang mga mananaliksik ay gagamit ng fish-bowl method sapagpili ng mga mag-aaral sa ikalawang baitang ng Salapungan Elementary Schoolna may gamit na Kapampangan bilang L1 na kung saan sila ang tutukoy sa mgaakdang isasalin.
Tatlong dalubhasa sa wikang Kapampangan ang susuri sa mgaisasaling akda batay sa diwa, estetikong katangian, kahusayan ng mgasaling-akda, at kaangkupan ng mga saling-akda sa mga target na mambabasa.Karagdagan nito, susuriin ng mga piling guro na nagtuturo ng Filipino at MotherTongue ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang sa nasabing paaralan angkahusayan ng bawat saling-akda sa kakayahan ng pagbabasa at komprehensyon nito. Kasangkot sa Pag-aaralAngmga respondyente sa pananaliksik na ito ay ang mga mag-aaral ng SalapunganElementary School na nasa ikalawang baitang na mayroong L1 na Kapampangan.Pipili ng mag-aaral na magiging kasangkot sa pamamagitan ng fish-bowl methodupang maging patas ang pagpili. Sa pagsasagawa ng pananaliksik, sa kasalukuyan,mayroong asignaturang Mother Tongue ang mga respondyente at nasa ilalim ngMTB-MLE na gumagamit ng wikang Kapampangan. Kasama sa mga pinag-aaralan ng mgamag-aaral ay ang mga kwentong pambatang pinagpipilian sa isasagawang sarbey nakanilang pinag-aaralan sa asignaturang Filipino na nais nilang maisalin saKapampangan.Upangmataya ang mga napiling akda ng mga mag-aaral, sasangguni ang mga mananaliksiksa mga piling guro ng ikalawang baitang sa Mother Tongue na nagtuturo saSalapungan Elementary School na pawang guro ng sampung mag-aaral upang pumiling dalawang kwentong pambata batay sa tema na pipiliin sa pamamagitan nglottery method. Sila rin ang magtataya sa kakayahan ng mga mag-aaral batay sapabasang kakayahan at komprehensyon sa mga babasahing saling-akda na siyanamang tatayain ng tatlong (3) dalubhasa sa wikang Kapampangan.
Instrumento ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay magsasagawang isang sarbey upang malaman ang mga kwentong pambatang nakapupukaw sa mgamag-aaral at ito’y isasalin. Sa loob ng sarbey ay makikita ang mga kwentongpambata na nasa kurikulum ng ikalawang baitang. Ang mga mag-aaral ang pipili ngdalawang kwentong pambata na isasalin sa loob ng sarbey at gustong kwento ngmga mag-aaral. Pagkatapos makuha ang lagom ng mga mananaliksik na nagingresulta ng sarbey sa mga mag-aaral ay magsasagawa ng panibagong sarbey sa mgaguro sa pamamagitan ng isang papel sa pagtataya na batay sa mensahe ng kwento,kalinawan ng salin, at kaangkupan ng haba.Pagkataposmalaman ang mga isasaling akda, ang mga mananaliksik ay magsisimula ng magsalinsa tulong ng teorya ni John Dryden.
Karagdagan nito, itataya ng mga eksperto saKampampangan ang mga isinaling kwentong pambata ng mga mananaliksik sapamamagitan ng isang papel sa pagtataya. Susuriin ang mga kwentong pambata sakahusayan ng saling-akda, diwa, at kaangkupan ng saling akda sa mga target namambabasa. Proseso ng Pananaliksik Kumunsultaang mga mananaliksik kay Gng. Jennifer P. Santillian na siyang tagapayo sapananaliksik upang humingi ng mungkahi kung anong paaralan ang nararapat sagagawing pananaliksik.
Iminungkahi niya ang Salapungan Elementary School bilangisang paaralang may asignaturang MTB-MLE (Kapampangan) na kung saan kulang angmga kagamitang pampagtuturo sa nasabing asignatura.Upangmakapangalap ng sapat na datos sa gagawing pananaliksik tungkol sa kakulangansa kagamitang pampagtuturo. Ang mga mananaliksik ay hiniling na makapunta saDivision Office ng Angeles kung kaya’t nagbigay ang mga mananaliksik ng isangliham na nagsasaad na humihingi ng pahintulot na magtungo sa Division Officeupang magtanong sa nasabing suliranin.
Sa tulong ni Dr. ….(Supervisor ngDivision Office). Malalaman dito ang kakulangan ng mga kagamitang panturo saikalawang baitang para sa asignaturang Mother Tongue.
Pagkatapostumungo sa Division Office, tutungo ang mga mananaliksik sa DepEd upangmagpatunay na mga kagamitan sa MTB-MLE mula sa LRMDS (Learning ResourceManagement and Development System) portal. Magtatanong kung may sapat bangkagamitan sa MTB-MLE ang mga mag-aaral sa ikalawang baitang. Makatutulongito para maragdagan ang mga ilang kwentong pambata. Pupunta ang mgamananaliksik sa silid-aklatan ng Angeles University Foundation upang maghanapng mga ideya at datos na kanilang kailangan para maisagawa ang pananaliksik.Karagdagan nito, gagamit pa ang mga mananaliksik ng mga libro, dyornal, impormasyongmula sa internet at ilang mga pananaliksik na kaugnay sa pag-aaral atliteratura na makatutulong sa gagawing pananaliksik.
Dahildito, hihingi ng pahintulot ang mga mananaliksik sa punong-guro at mga guro ngikalawang baitang sa Salapungan Elementary School sa pamamagitan ng pagbibigayng isang liham. Ito ang magiging daan upang maisagawa ng mga mananaliksik angsarbey sa mga mag-aaral at malaman ang dalawang (2) kwentong pambata namakapupukaw sa kanila. Bibigyan ito ng taya ng mga guro ng ikalawang baitang sanasabing paaralan upang mapili ang mga ilang kwentong pambatang isasalin ng mgamananaliksik Pagkatapos mapili ang mga kwentong pambata na isasalin, uunawainat babasahin ng maayos ng mga mananaliksik ang mga kwentong pambata. Angunang papel na naisaling akda ay itataya ng tatlong eksperto sa wikangKapampangan batay sa diwa, at kahusayan ng saling-akda. Ang resulta ng naging pagtataya aymagkakaroon muli ng pagrerebisa.
Pagkatapos na maaprubahan ng tatlong ekspertoang mga narebisang saling-akda, gagawa ang mga mananaliksik ng isang pagsusulitna mayroong limang katanungan sa bawat kwento at ipasusuri sa mga guro ngikalawang baitang sa Salapungan Elementary School. Pagkatapos itong masuri,muli itong irerebisa ng mga mananaliksik. Sisimulan na ng mga nasabing guro angpagtataya sa pabasang kakayahan at komprehensyon ng mga target na mambabasa.Kasabay nito, ipapasagot ang ginawang pagsusulit at pagkatapos ay itatanong ngguro sa mga mag-aaral kung ano ang mensahe o buod ng kwento. Sa pamamagitan ngresulta ng pagsusulit ay malalaman ng mga guro kung angkop ba ang ginamit nametodo at teknik sa pagsasalin at kung magiging epektibo ba ang naisaling akdasa mga target na mambabasa.
Pag-aanalisa ng mga Datos Sa pag-aanalisa ng mga datos, ang mgamananaliksik ay gagamit ng weighted mean ng mga naging pagtataya sa bawatpamantayan na nakapaloob sa mga evaluation tool upang malaman kung ang mga itoay malinaw na magkaroon ng 3.1 hanggang 4.0 upang masabing ang mga eksperto aylubos na sumasang-ayon, 2.1 hanggang 3.0 para sa sumasang-ayon, 1.1 hanggang2.0 para sa di-sumasang-ayon at 1.0 pababa upang masabing ang mga eksperto aylubos na di-sumasang-ayon na ang mga pamantayan ay malinaw na makikita sa bawatsaling akda.